Linggo. Maghapon akong hindi nakatanggap ng text o tawag mula kay Cloud. Pati yung usual na text message niya tuwing umaga ay walang dumating. Hmp! Baka busy sa mga babae niya!. Napapansin na din pala ng dalawang pamangkin ko ang madalas na pagtingin ko sa cell phone ko. Nasa isang fastfood kami ngayon. Pinakain ko na muna sila bago kami umuwi galing sa pagsisimba. "Tita Ganda may lakad ka pa ba pagkauwi natin?" tanong ni Kenji. "Hindi. Wala." wala sa sariling sagot ko. "Ah. Panay kasi tingin mo sa cell mo. Akala ko may lakad ka pa kasama ng mga friends mo." "May hinihintay na text si Tita..." tukso naman ni Mari. "Baka yung crush niya!" singit naman ni Kenji. "Oo nga. Yung laging naghahatid sa kanya na may ko