Halos hindi ako nakatulog. Nakokonsensiya ako nang hindi sumagot si Janina sa text ko. Gustuhin ko mang tawagan siya pero isinaalang alang ko na bigyan siya ng space. Alam kong masama ang loob niya sa akin. Pagpatak ng alas-sais ng umaga ay agad kong tinawagan Ivee. ["Tito...ang aga aga pa..."] Narinig ko ang paghiklab nito sa kabilang linya. "Wala kang karapatang magreklamo Ivee. May kasalanan ka pa sa kin." ["Oo na. Wag mo nang ulit-ulitin sa akin. Sabihin mo na kung anong gagawin ko Tito, para makatulog pa ako kahit konti..."] "Order anything -- cake, truffle or cupcakes -- basta kailangan may nakalagay na 'I'm sorry'. Dagdagan mo na din ng balloon arrangement. Better if may note na "I Miss You'." ["Okay. Mukha namang wala akong choice kung hindi ang sumunod sa yo