ANG PAGTATAGPO

1768 Words
[CLOUD]         Alas dos na ng madaling araw. Medyo basa ang daan dahil sa ilang oras na walang tigil na pag ulan. At least may dahilan ako kay Mama kung bakit ngayon lang ako pauwi ng bahay.         Nasa tamang edad na naman ako at hindi lang isa ang pagma may-ari kong negosyo. Hindi naman sa takot ako kay Mama na parang bata, pero ayaw ko na lang din na nagbabanggaan pa kaming mag ina, lalo pa at may hypertension ito. Bunso ako sa anim na magkakapatid, pero ako na lang ang kasama ni Mama sa mansiyon dahil ako na lang ang walang asawa.         Matagal nang balo si Mama. Dalawang taon pa lang ako nang namatay ang aming ama na isang sundalo. Namatay ito nang ipadala ang grupo nila sa digmaan sa parte ng Mindanao. Iyong nakuhang pera ni Mama sa pagkamatay ni Papa ay ginamit nitong puhunan. Kumuha ito ng pwesto sa palengke.         Tulong-tulong kaming magkakapatid sa pagtulong kay Mama, maliban kay kuya Ronnie na nagte-training noon sa pagsu-sundalo. Siya ang sumunod sa yapak ni Papa. Nang makatapos si ate Carla, nakapasok ito sa isang travel agency company hanggang sa makabisado na nito ang pasikot-sikot sa kumpanya, at mag-venture na rin ang aming pamilya sa pagpapalago nito. Halos lahat ng kapatid ko, at mga asawa nila ay tulong-tulong sa pagpapatakbo nito, maliban sa akin.         Simula sa pagkabata, mahilig na ako sa mga sasakyan. Basta tungkol sa sasakyan, interesado ako agad. Nag= crash course pa nga ako ng Automotive. Alam iyon ng mga kapatid at ng Mama ko, kaya hindi nila ako napigilan nang magtayo ako ng sarili kong negosyo, na lahat ay may kinalaman sa mga sasakyan.         Napansin ko na medyo mataas pa rin ang tubig sa kalyeng dadaanan ko. Minabuti kong umiba ng daan. Sa mga looban ako dadaan. Dahil kung hindi, madi-delay lalo ang pag uwi ko. Medyo mabigat na rin ang talukap ng mga mata ko, dahil medyo napalaban ako sa ka-date ko kanina. As usual, wild sa kama! Tsk!         Pagliko ko may tinamaan ang headlight ko. May babaeng tumatakbo papasok sa eskinita. May humahabol dito na lalaki na naka-jacket na itim. Babalewalain ko na sana pero parang may nag uutos sa akin na itabi at bumaba ng sasakyan ko.         Itinabi ko ang dala kong Lexus. Bumaba ako ng kotse at saka pinindot ang lock. Mahirap na. Alanganing lugar ang kinaroroonan ko at bihira lang ang dumadaan dito. Hindi ko nga alam ano pumasok sa isip ko at gagawin ko to.         Dahan-dahan akong pumasok sa eskinita. Nakiramdam muna ako. May narinig akong sumigaw. Tapos ay tahimik na uli ang paligid. Unti-unti akong umabante. Madilim ang lugar. Unti-unti kong sinanay ang mata ko sa dilim bago ako umabante ng lakad.. Nakailang hakbang na ko nang may natapakan akong bagay na lumikha ng konting ingay.         Pouch bag...         Pinulot ko ito. Iba't ibang klase ng make-ups, toothbrush, at toothpaste ang laman.         Nang bigla akong may narinig na kaluskos. Pinakiramdaman ko kung saan ito nanggagaling. Nagtago ako sa isang may kalakihang puno at saka pilit inaninaw ang paligid. Nang may mapansin akong gumagalaw sa bandang kanan.         Mabilis kong tinakbo ang lugar. Nakita ko ang isang lalaki na nasa treinta pataas ang edad. Halos kasinlaki ko din ang katawan nito.Nakaibabaw ito sa isang babae na walang malay.         "Hoy!" sigaw ko.         Lumingon ito sa akin at biglang tumayo. Sinugod ako nito. Nagpakawala ito ng suntok pero nakaiwas ako. Hindi ako natatakot dito. Confident ako na kaya ko siyang patumbahin dahil nag-aral ako ng martial arts. Nakailang suntok din ako dito, at napapatumba ko naman siya. Pero tila malakas din ito, at sanay din sa pakikipaglaban. Naramdaman kong napagod na siya, kaya nakasilip ako ng pagkakataon na mapatumba ko siya nang tuluyan. Pero bigla itong naglabas ng patalim!         Kailangan kong mag-concentrate. Ibang usapan na 'to. Ayokong ma-gripuhan ang katawan ko, Sumugod ito sa akin. Naiwasan ko ang pag-unday niya ng patalim. Sumugod uli ito. Sa pagkakataong ito nahawakan ko ang braso niya na may hawak sa patalim. Nagpambuno kami. Pinipilit niyang maitarak sa akin ang patalim, samantalang pilit ko naman  itong inaagaw sa kanya. Sukatan ng lakas. Hanggang sa maagaw ko ito. Ang plano ko ay sugatan lamang siya sa hita.         Pero dahil pinilit niyang maagaw sa akin ang patalim ay nagurlisan ko ito sa kanyang tagiliran. Pero mabilis pa rin ako nitong natadyakan, dahilan para bumagsak ako sa lupa. Sinamantala nito ang pagkakataon para makatakbo sa akin palayo.         Agad-agad akong bumangon patayo at saka hinabol ang lalaki. Hindi ko ito inabutan nang bigla itong sumakay sa isang nakaparadang taxi na nakabukas pa ang pintuan magkabila sa harapan. Ni hindi na nga nagawa nitong isara ang pintuan ng passenger side. Mabilis nitong pinalayo ang sasakyan.         Humihingal akong huminto sa pagtakbo at pilit na inaninaw ang plate number ng sasakyan. Mahina akong napamura. Na-frustrate ako dahil hindi ko ito naabutan.         Naalala ko iyung babae. Binalikan ko ito sa lugar  na huli kong kinakitaan dito. Ginamit ko ang liwanag ng cellphone ko para tingnan ang kabuuan ng babae.         Nagulat ako sa tumambad sa akin. Base sa suot nitong uniporme, hindi maikakaila na isa itong empleyada. Nakabukas ang blouse nito. Tumambad sa akin ang maputing dibdib nito na natatakpan pa ng lacy bra na kulay pula. Para akong napaso. Base sa pagtaas-baba ng dibdib nito, obvious na nawalan lang ito ng malay.         Pagbaba ng tingin ko, nakita kong nakalilis ang palda nito dahilan para matambad ang kulay pula ding panty nito. Sunud sunod na paglunok ang ginawa ko.         Alam kong nasa ganito akong sitwasyon pero di ko mapigilan ang kakaibang nararamdaman ko.          Damn!          Sunod kong tiningnan ang mukha nito. Pakiramdam ko panandaliang tumigil ang paghinga ko. Simple ngunit maamo ang mukha nito. Bigla kong naramdaman na gusto ko siyang protektahan.          Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Ibinaba ko ang nakalilis na palda nito. Isinunod kong ibinutones ang blouse nito. Napansin ko ang panginginig ng mga kamay ko.          Sh&t! As if ngayon lang ako nakakita nito? Normal na lang sa kin ang makakita nito. - Pinagalitan ko ang sarili ko.          Nang matapos ko na ang pagbubutones, kinarga ko ito nang bridal style. Binuhat ko ito hanggang sa aking nakaparadang sasakyan. Hirap na hirap akong kinuha ang susi sa aking bulsa. Narinig ko na tumunog, nagbabadya na bukas na to, maingat ko itong ipinasok sa back seat. Hindi pa rin ito nagigising.          Pumunta na ko sa driver seat. Muli akong napalingon sa babaeng nakahiga sa backseat. Hindi ko alam kung bakit sobrang pag-aalala ko dito. Pinaandar ko na ang kotse at nag-umpisa na kong bumiyahe. Dinerecho ko sa hospital ang babae.          "Sir, boyfriend o asawa po ba kayo ng pasyente?" tanong ng nurse sa akin.          Nabigla ako sa tanong ng nurse, pero deep inside I have a feeling that I want to own her.          "N-No. Tinulungan ko lang siya. She was almost r***d," sagot ko.          Hindi ko maintindihan, pero biglang may bumangong galit sa dibdib ko.          "Paki-asikaso na lang siya, Miss. Ako nang bahala sa expenses, if that is what you're thinking," sabi ko dito.          Tumango lang ito, at saka nagsulat sa hawak niyang log book.            Hindi ako mapakali. Naisipan kong may tawagan. Dinukot ko ang cell phone ko, at saka nag dial. "Hernandez...wake up. Pasensiya na. Andito ako ngayon sa Mary Claire Hospital sa Quezon City. Puntahan mo ko dito ngayon. Dito na tayo mag usap." dere-derecho kong sabi sa kausap ko.          I then ended the call. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita pa.          Akala ko kakalma na ako, pero andun pa din yung pag aalala ko sa babaeng hindi ko kilala.          Why I am like this? I don't even know her f*ck/ng name!          Napatingin ako sa aking relo. Maga-alas kuwatro na pala ng umaga. Bigla kong naalalang i-text si Mama. Ayaw ko namang mag-alala ito sa akin. Saka na ako mag-iisip ng dahilan.          Pagkatapos kong i-text si Mama ay sinubukan kong silipin iyung babae sa loob ng cubicle.           Ano bang ginagawa sa kanya dun? Gising na ba siya?           Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Kaba, takot, at pagod.           Damn! I'm dead tired pero hindi ko kayang iwanan ang babaeng hindi ko naman kilala.          Umupo ako sa bench na nasa harap ng cubicle kung nasaan ang babaeng dinala ko. Namimigat na ang ulo ko marahil ay sa puyat. Tumayo ako uli para bumili ng kape. Pabalik na uli ako sa bench nang tumawag si Hernandez. "Hello. Let's meet at the emergency room area," sabi ko dito sabay end ng call.          Pagdating ko sa sinabi kong area ay andun na si Hernandez. Isa itong pulis. Naging kaibigan ko ito nang minsang ma-assign ito sa harap ng isang kumpanya ko. Sa loob ng kumpanya ko ito laging nakikigamit ng banyo. Ako pa ang napagtanungan niya nung unang beses itong naghanap ng CR. Hindi niya alam na ako ang may-ari ng kumpanya. Natural na mabait ito kaya nakapalagayan ko ng loob. Nung minsang nabo-bored ako at gusto kong magkape sa malapit na coffee shop ay nakita ko ito sa lobby ng building at naisipan kong ayaing magkape. May katagalan din bago nito nalaman na ang taong kasabay niya laging nagkakape ay ang may-ari ng kumpanyang tinatambayan niya.          Pagkakita sa akin ni Hernandez ay sinalubong agad ako nito.          "Pare, anong problema?" nakakunot noong tanong nito.          "I brought a lady here. I-"          "What???" gulat nitong sabi.          "Let me finish first," sabi ko dito.          "Wala akong ginawang masama. Natiyempuhan ko lang. Dumaan ako sa looban sa may Samson Road. Nakita kong hinahabol siya ng isang lalaki kaya sinundan ko. I saw the man is on the brink of r****g her. Kaya lang natakasan ako ng walanghiya! Good thing is nakuha ko ang plate number ng taxi niya." humihingal ko pang kuwento.          "Why is it parang apektado ka pare?" tanong nito habang nakataas ang isang kilay.          Huminga ako ng malalim at saka naupo sa bench na nandoon.          "Pagod at puyat lang ito.Besides, ni hindi ko kilala yung babae diyan sa loob," saka ko naihilamos ang kamay sa mukha ko.          Ano bang isasagot ko? Mismong ako hindi ko alam bakit ganito ang reaksiyon ko.          Naramdaman ko ang kamay ni Hernandez sa aking balikat.          "Mabuti pa magpahinga ka na. Ako nang bahala dito," narinig kong sabi nito.          "No. Gusto ko munang matiyak na okay na siya bago ako umalis."          Napaangat ang tingin ko sa harapan nang may magsalita.          "Sir, pwede na pong ilipat ang pasyente sa regular room. Stable naman po lahat ng vital signs niya. Pero she is still unconscious. I am Dr. Silva. Her attending physician," sabi nung lumapit sa akin.          "Narinig mo ang sinabi ng doktor. Okay na siya. So? Go home, Montecillo. Wala ka nang excuse," sabi ni Hernandez. ~CJ1016 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD