CHAPTER 33

1866 Words

        Groge ako maghapon sa trabaho. Parang nakalutang ang ulo ko. Halos wala kasi akong tulog kagabi. Nang magising ako mula sa masamang panaginip na yun, kahit anong pilit kong makatulog ay hindi ko na nagawa.         Binuksan ko pa ang cell phone at nagtangkang i-text si Cloud. Pero agad din namang nagbago ang isip ko nang mapag-isip-isip kong panaginip nga lang ang lahat. Kinumbinsi ko pa ang sarili ko na walang masamang nangyari kay Cloud. Marahil ay nagi-guilty lang ako sa ginawa kong pagtatago dito.         Kaninang tanghali ay pinatawag ako ni Dos sa opisina niya. Nag aalangan man ako, ay pumunta pa din ako. Pinilit kong umakto ng normal habang papunta sa opisina nito.         "Sir Dos?" bungad ko sa opisina nito.         Iminuwestra nitong pumasok ako sa loob. Isinara ko nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD