Ang biyahe ko mula sa hotel papuntang airport kung tutuusin ay malapit lang dahil nasa Pasay na ko. Pero parang napakatagal ng oras. Inip na inip na ko. Wala pa kong makausap man lang. Pakiramdam ko sa mga sandaling ito ay aping api ko. Nag-iisa. Nagdurusa. Nang makasakay na ko ng eroplano ay pinilit kong matulog pero ayaw akong dalawin ng antok. Dyosko, hanggang kailan ako magkakaganito? Bakit kasi may mga taong ayaw kang pakawalan pero ayaw naman gumawa ng paraan para manatili ka? Bakit kung sino yung rason bakit ka masaya siya din yung rason kung bakit ka nasasaktan? Ilang oras lang ang duration ng biyahe ko pero pakiramdam ko isang taon na ang lumipas. Paglapag ng eroplano, sumabay na lang ako sa agos ng tao pababa. Wala pa akong idea kung sa