[CLOUD] Mabibigat ang mga paa ko habang paakyat sa hagdan na ito papunta sa Grand Ballroom. Masama ang loob ko kasi hindi ko naisama si Janina. Kung bakit kasi naunahan ako ng kaba at hindi ko siya agad naimbitahan maging ka-date ko ngayong gabi. Your f*cking stupid, Cloud! Tinatamad na sana ako magpunta. Kaso magtataka ang Mama. Dapat ay siya ang pupunta dito. Kaso nga sa kagustuhan kong magkaroon ako ng dahilan na makasama si Janina ay inako ko na ang pagpunta dito. Kung hindi lang sana ako palpak sa panliligaw. Malay ko ba! Hindi pa ko nanligaw sa buong buhay ko! Yung pagpapadala nga ng kung anu ano kay Janina ay idea pa ni Ivee. Mabuti na lang at ganun na pala ako ka-transparent kay Ivee at nahulaan niya kung anong pinagdadaanan ko.