[Cloud] Masuyo kong tinitingnan ang mukha ng asawa kong natutulog. Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitingnan ko ito. Isipin pa lang na muntik na siyang mawala sa akin ay parang nahihirapan ako huminga. Maingat kong hinaplos ang pisngi nito. Ayokong magising siya pero hindi ko mapigilan ang sarili kong gawin yun. Naalala ko tuloy si Hernandez. . "Pare, love sick ka na. Alam mo ba yun?" sabi nito. "Anong love sick ang sinasabi mo dyan?" taas kilay kong sagot dito. Tumawa lang ito. "Ang hirap paniwalaan na yung kilala kong playboy na si Cloud Montecillo ay halos magpakamatay sa babae. Ooops! Correction. Sa isang babae." natatawang sabi nito. Sinamaan ko ito ng tingin. "Gusto mong ipakain ko sa yo yung bubog ng boteng hawak mo?" seryosong tanong ko dito. "Wag na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books