Nagising ako sa ring tone ng cell phone ko. Pilit kong idinilat ang isang mata ko para silipin kung saan nakalapag ang cell phone ko. Napuyat kasi ako kagabi. Magka-text kami ni Cloud at hindi ko namalayan na madaling araw na pala. Kaya kung sino man ang nambubulahaw sa kin na to ay paniguradong makakatikim ng katarayan ko. "Hello!" ["Good morning, sleepy head...ang sungit ng umaga natin ah."] Natampal ko ang noo ko. "Cloud...inaantok pa ko...." ["Parang puyat na puyat ka ah."] "Ano pa nga ba! Anong oras mo na ba ko tinigilan sa text?" ["Sus! Para alas tres lang yun. Hindi mo ko gayahin. Nakaligo na ko. Nakabihis na ko. Hinihintay na nga lang kita eh."] Hinihintay? "Bakit? Asan ka ba?"kunot noong tanong ko dito. ["Nasa bahay ng Tatay mo..."] Napab