CHAPTER 14

2001 Words

[CLOUD] Sinaid ko ang laman ng beer at saka ito inihilera sa iba pang bote sa harap ko. Kumuha uli ako ng bago at saka tumungga uli. "Tsk. Tsk. Tsk. Ang dami mo nang nainom pare." Tiningnan ko lang si Hernandez at saka uli tumungga ng alak. "Wala naman kasing problema ginagawan mo. Bakit di mo pa ligawan kasi?' sabi nito. Napakunoot noo ako sa kanya. Wala naman akong sinasabi dito sa taong to ah. Nadulas ba ako nung minsang nalasing ako? "Bahala ka. Baka mamaya yung pinaglalasing mo dito e meron na palang naunang nanliligaw dun sa kanila,." pananakot pa nito. "Sino bang tinutukoy mo?" tanong ko kay Hernandez. "Si Janina, sino pa? Si Janina lang naman ang dumating sa buhay mo na nagpabago sa yo eh. Nagkaganyan ka lang naman mula nung umalis si Janina e." Napahinga ako ng malalim.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD