Gising na ang diwa ko pero inaantok pa ako. Pinilit kong matulog pa. Pero bigla akong may naamoy na niluluto. Parang Corned Beef? Wait! Paano naman umabot sa kuwarto ko ang amoy ng niluluto? Ang layo ng kuwarto ko sa kusina. Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Nagtaka ako bakit kulay orange ang kulay ng kisame. Pero bgla ko ding na-realize na wala ako sa sarili kong kuwarto.That explains sa amoy ng niluluto. Napabalikwas ako ng bangon. Dumausdos ang comforter sa katawan ko. Saka ko lang napansin na wala akong suot kung hindi ang brief ko.Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. What am I doing here? Bigla namang bumukas ang pintuan ng kuwarto. "Morning babe!" masigla nitong bati. "Marga, anong ginagawa ko