CHAPTER 59

2078 Words

        "Mamang Caring, nakita nio po ba si Cloud? Baka malate kami sa launching."         Kasama na namin si Manang Caring sa bahay para daw may kasama ako kapag umaalis si Cloud. Sabi lang ni Cloud yun. Palagay ko ang totoong dahilan ay para may mapagtatanungan siya kung nasaan ako o kung anong ginagawa ko.         "Parang andun sa may pool. May kausap sa telepono niya."         Naglakad ako papunta sa gawi ng pool. Ilang hakbang na lang ako nang marinig ko na tila nakikipagtalo si Cloud sa kausap niya. Hindi ko naririnig ang sinasabi ni Cloud pero halatang pinipigilan nito ang galit niya. Ang tanging narinig ko lang nang makapit na ko ay - it can't be.         "Cloud?"         Gulat na napalingon sa kin si Cloud at agad pinatay ang tawag.         "May problema ba?" tanong ko dito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD