PART 25

1818 Words

***** RUCIA *****   “Anong ginagawa niyo sa matanda?!” singhal ni Rucia sa dalawang lalaki. Nagpa-panic niyang nilapitan si Santiago upang protektahan. Kapansin-pansin kasi sa pag-iling-iling na may kasamang mga ungol ni Santiago na hindi nito nagugustuhan ang sinasabi ng dalawang lalaki. Kumukontra ang matanda wala lang itong magawa. “Okay ka lang?” pagkuwan ay tsek niya kay Santiago. Pinunas-punas niya ang mga pawis sa noon nito. “Huwag ka nang mag-alala. Nandito na ako. Hindi ka nila masasaktan.” “Oo nga, Lolo San. Lagot sila kay Ate Rucia,” sabi rin ni Kyd. Nasa likod ito ng wheelchair. Hinawakan ang dalawang hawakan ng wheelchair as if handa nitong itulak iyon nang mabilis kapag mangangainib pa si Santiago sa dalawang lalaki. Kita sa mukha ng bata na handa rin nitong protektahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD