***** AMAN ***** Maagang umalis sa bahay ng kapatid si Aman. Naisip niya na mahihirapan siyang magpaalam kapag hihintayin niyang magising ang pamangkin. Sa pananatili niya sa piling ng mag-ina hanggang maging fully recovered si Jamil ay mas naging attached na naman siya sa bata. Wala silang ginawa kundi magkulitan kaya tulad ng isang ama sa kanyang anak ay hirap na ang kanyang kalooban na iwanan ito. “Kung talagang pupuntahan mo ang babaeng iyon dapat ay sigurado ka na sa feelings mo para sa kanya. At saka sana ay iyong hindi ka na naman magkaka-problema,” sabi ni Manet habang nilalagay nila ang mga gamit niya sa likod ng sasakyan na maghahatid sa kanya sa Calapan Pier. Hindi siya masusundo ng chopper dahil nag-extended ng leave ang kanyang piloto. “Oo naman,” tipid niyang sagot.