PART 42

1947 Words

***** RUCIA *****     “Nagkapatong-patong na ang pangangailangan ko ng pera noon. Mula sa mga gastos sa ospital nina Izzy at Nanay. Sa na-snatch na pera ni Eyrna. Sa utang ni Nanay kay Madam Charo dahil ayaw ko na noon na magtrabaho si Nanay dahil sa sakit niya sa puso na lumalala. Hanggang sa gastos din sa pagpapalibing ni Izzy. Halos mabaliw-baliw ako noon kung saaan ako manghihiram ng pera,” naluluhang saad ni Rucia. Pinipigilan niya pa rin na umiyak pero ayaw man niya ay pumatak pa rin ang mga luha sa mga mata niya sa pag-alala ng bandang iyon sa kwinukwento na nakaraan. “May nalapitan ka naman?” tanong ni Aman. Matamang nakikinig pa rin sa mahaba niyang kuwento. Pilit inuunawa ang nagawa niyang pagkakamali sa buhay. Tumango siya kasabay nang pagpunas niya sa pisngi at pagsinghot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD