***** RUCIA *****
Maagang nakauwi si Rucia ng bahay nang sumunod na araw na nagbenta siya ng mga kung anu-ano at naningil ng mga pautang. Nang makarating siya sa farmhouse ay wala sa sariling umupo siya sa pangatlong baitang ng pinakabalkonahe. Tutal naman at maaga pa ay pinili niya munang magpahinga. Mas ramdam niya kasi talaga ang pagod sa kanyang ginagawa para kumita ng pera at mabuhay kasama si Santiago kapag konti lang ang nabebenta niya. Humahalo pa ang pangamba niya sa pagod niya ang kanyang pag-alala na paano kung maubos na ang tinatabi niyang pera at biglang magka-emergency na naman. Hindi siya nag-alala para sa sarili niya, nag-aalala siya para kay Santiago. Para sa gamot nito.
Napabuntong-hininga siya nang malalim habang nag-iisip ng iba pang gagawin para mairaos ang pang-araw-araw nila kahit na tumumal pa lalo ang kaniyang pagtitinda. Hanggang sa sumagi na naman sa isip niya si Aman.
Ang gagong Aman na iyon. Bigla na lang umalis! Wala man lang paalam!
“Ate, nandito ka na pala.” Nawala lang siya sa pag-iisip nang umupo sa tabi niya si Kyd. May hawak na baso ang bata. Umiinom ng tubig.
“Si Lolo San mo?” para siyang naubusan ng lakas na tanong.
“Nakatulog, ‘Te, pagkatapos naming manood ng TV.”
Tumango-tango siya. Ibinalik niya sa kawalan ang tingin.
Tinitigan siya ni Kyd. Kumunot ang noo. “Ate, halla ka! In love ka!”
“May inisip lang in love na?” depensa niya agad.
“Ang laki kasi ng pimples mo, oh.” Itinuro ni Kyd ang kanyang mukha.
Ilang segundong nag-loading ang kanyang utak. Kahit man siya ay nagtaka sa kanyang inasal. Ano ‘yon?
“Teka…” Iba na ang naging ngiti ni Kyd nang muling magsalita. “Inaalala mo si Kuya Duwapo, Ate, noh?”
Pakiramdam niya ay may apoy na nagliyab sa kanyang kinauupuan dahilan upang umangat ang kanyang puwetan. Napasalang siya sa hotseat nang wala sa oras. Bakit ba kasi ang sabaw niya sa mga nagdaang araw? Kainis.
“Siya iyang malaking pimples na iyan, noh?” turo na naman ni Kyd sa namumulang pimples sa kanyang pisngi.
“Hindi, ah!” aniya sabay takip n’yon. “Dahil sa dumi ‘to. Naubos na kasi yung cleanser ko kaya ilang araw na rin na hindi ako nakakapaglinis ng mukha kapag matutulog. Iyon ang dahilan kaya ako nagka-pimples.” Ginawa niya ang lahat para maging normal ang boses niya. Ayaw niyang mas pag-isipan pa siya ni Kyd kahit totoo ang paratang nito sa kanya.
Iniisip niya si Aman, Oo, pero hindi dahil sa iniisip ng bata kundi dahil naiinis lang siya. Sino bang matino na tao kasi na aalis na lang nang walang paapaalam? Mukha pa namang may mataas na pinag-aralan ang taong iyon pero ganoon ang inasal. Nakaka-disappoint.
“Sabi ng classmate ko in love ang isang tao kaya nagkaka-pimples,” subalit ay giit ni Kyd. Pinu-push talaga ang tungkol sa pimples niya.
“Paano naman niya nasabi aber?”
“Kasi sa dami ng kanyang crush daw kaya madami rin siyang pimples.”
Doon na siya natawa. “Hindi totoo ‘yon.”
“Totoo raw. Oy, in love si Ate kay Kuya Duwapo. Nami-miss niya,” tukso pa rin sa kanya ng bata.
“Sabing hindi.”
“Huwag ka nang mag-deny, Ate. Halata sa’yo. Mula umalis si Kuya Duwapo ay lagi ka nang malungkot. Napansin ko. Akala mo, ah.”
“Sabing hindi. Tumigil ka na. Ang bata-bata mo pa ay ang dami mo ng alam na ganyan.” Inirapan niya ito.
Napahagikgik si Kyd. Ang ginawa pa’y parang matanda na tinapik-tapik ang kanyang balikat. Dikit ang mga kilay niyang naglipat-lipat ang kanyang tingin sa kamay at sa mukha nito. “Huwag kang mag-alala, ‘Te, kasi ang sabi ni Kuya Duwapo ay babalik daw siya agad. Huwag mo raw siya masyadong isiipin. At sorry raw sa ginawa niya. Ano bang ginawa niya sa’yo, ‘Te?”
Pinigil niya ang huwag mapaungol. Okey na iyong sinabi ni Aman na babalik siya, eh. Natuwa naman siya dahil baka ibig sabihin ay nagmamadali lang talaga ang binata na umalis kaya hindi na siya nahintay para magpaalam. Pero ang sabihin pa sa bata na sorry dahil sa ginawa nito ay iyon ang hindi okey. Masyadong mataas pa naman ang curiosity level ng isang bata kaya tiyak na kung anu-ano ang pumapasok sa isip na ngayon ni Kyd kung ano ang ginawa nila na iyon. Tulad na lang ngayon na kung makatingin na sa kanya ay wagas.
Bahagyang itinulak niya ito sa ulo. “Huwag mo nga akong matingnan-tingnan ng ganyan.”
“Ano ba iyon? Bakit nagsu-sorry si Kuya Duwapo?”
“Wala. Wala siyang ginawa. Teka nga bakit na Kuya Duwapo angg tawag mo sa kanya?” pagliliko niya sa usapan.
“Duwag at guwapo. Duwag siya sa multo, eh,” nagtatawang sagot ng binata. Pagkatapos ay nagtatawa na itong nagtatakbong paalis.
“Sandali!” tawag niya hindi para pingutin ang tainga nito kundi para bigyan sana ito ng singkwenta. Ngunit ay mabilis na nakalayo si Kyd. Akala yata ay pipingutin niya sa tainga. Bukas na lang niya ibibigay.
Tahimik siyang tumayo kasabay ng kanyang malalim na pagbuntong-hininga. Minsan pa ay napaisip siya tungkol kay Aman. Totoo kayang babalik pa iyon?
‘Asa ka pa. Baka sinabi lang iyon sa bata para hindi magtaka na bigla siyang alis. Isa pa anong dahilan para bumalik pa rito sa nabubulok nang rancho?’ tuya sa kanya ng isip.
“Meron!” bigla ay malakas na sabi niya habang namimilog ang kanyang mga mata. “Ang mga bagoong na kinuha niya. Hindi pa niya bayad! Woahhhhhh!”
Napatampal siya sa kanyang noo. Ngayo ay alam na niya kung bakit parang kulang ang pera niya nang binayaran niya ang mga bagoong kay Aling Pasing.
“Subukan mo lang na hindi bumalik, Aman. Ipapakulam kita. Maduga ka,” inis niyang sabi sabay pamaywang. Aakalaing tanaw niya ang binata sa kawalan dahil nagngingitngit ang kanyang mukha habang nakatitig roon. Kikibot-kibot ang kanyang mga labi’t lumalaki-laki ang butas ng kanyang ilong.
Mabuti na lamang at tumunog ang kanyang mumurahing cellphone na nasa loob ng kanyang sling bag. Nawala siya sa pagsusumpa kay Aman dahil sa mga bagoong. Higit six hundred din iyon, aba!
“Napatawag ka, Cecilia?” tanong niya sa tumatawag. Hindi na siya ang-abalang mag-hello dahil madalas naman silang magtawagan ng dalaga.
“Rucia, kumusta si Daddy?” And yeah, anak ni Santiago si Cecilia. Una niya itong nakilala noong sinugod siya nito’t nakipagsabunutan. Nakakatawa pero totoo.
Mabilis niyang inalala ang nakaraan na iyon. Nakakatuwa kasing alalahanin.
Nagkukulitan sila noon nina Jella at Eyrna sa may gazebo ng bahay na pag-aari noon ni Santiago. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa crush niya noong si Evo Alfuente. Nang biglang natilihan sila dahil sa sunod-sunod na busina nilang narinig sa labas ng steel gate. Nadako ang tingin nilang magkakaibigang sa may bandang gate.
“May bisita ka ba?” tanong sa kanya ni Eyrna.
Kusot ang mukha niya na umiling.
“Baka si Santiago. Baka kotse mo na iyan, sheb,” na-excite na saad ni Jella. Ito na ang unang tumayo at tinungo ang gate.
Sumunod sila ni Eyrna.
Pati man siya, she felt the surge of excitement. Sino bang hindi kung kotse na ang pinag-uusapan? Ang tagal niyang pangarap na magkakotse.
Pero kung gaano kabilis niyang naramdaman iyon ganoon din kabilis naglaho. Laking gulat nilang tatlo nang may dalawang babae sa labas na kanilang nakita. At mukhang kaedad nila.
“Sino sa kanila ang babae ni Daddy na nakita mo, Sha?” Galit na galit ang isa. At siya si Cecilia, bunsong anak ni Santiago. Bunso kaya matapang.
“Iyang nasa gitna,” sagot ng babae kay Cecilia.
Lalong lumawa ang mga mata nilang magkakaibigan. Agad nilang naunawaan ang nangyayari pati na ang mangyayari. Takot na nagtago si Rucia sa likod ni Eyrna.
“Walangya kang babae ka! Ikaw pala ang mistress ng daddy ko! Malandi ka! Maninira ka ng pamilya!” At sinugod na nga siya ni Cecilia.
Hinarang ito ni Eyrna pero nakasabunot pa rin ito sa kanya kaya napatili siya.
“Tama na po!” pakiusap ni Eyrna. Pilit tinatanggal ang kamayi Cecilia sa buhok niya.
Wala siyang ginagawa dahil totoo naman ang paratang sa kanya. Ayaw niyang saktan si Cecilia. Napaiyak na lang siya habang iniinda ang sakit ng mga sabunot sa kanya.
Nakisali si Eyrna pero pinigilan naman ito ng kasama ni Cecilia. Ang dalawa na ang nagpambuno.
----- This scene is from my story ‘UNCURED PAIN OF A WIFE’ ( Mistress Mistake Special Series) -----
Narinig yata mula sa bakuran nina Cara ang kaguluhan kaya napalabas si Nang Masing.
“Diyos ko!” naibulalas ng matanda. “Cara! Cara!” tapos ay sigaw nito para humingi ng tulong sa amo.
“Nang, bakit?” Tarantang napalabas naman si Cara. “Oh, no!” naibulalas din nito nang nakita ang magulong eksena. “Nan,g tumawag ka ng guard, bilis!” tapos ay bilin nito kay Nang Masing.
Pumasok ulit si Nang Masing sa bahay nila.
“Rucia…” Sinubukan siyang tulungan ni Cara pero hindi nito alam yata kung paano kaya natataranta na lamang na nanonood muna.
“Eiiiihhhhh!” tili niya pa.
“Leave my Dad alone!” singhal sa kanya ni Cecilia.
Mabuti na lamang at mabilis na rumisponde ang mga guard ng subdivision. Sila na ang umawat sa kanila. Sobrang pasalamat niya sa panginoon dahil natapos din ang kaguluhan. Kahit sanay na siya sa eskandalo na ganito ay may hiya pa rin siyang natitira.
“Paalisin niyo ang mga iyan! Sila ang nanggugulo rito, Kuya!” sumbong agad ni Jella sa isang guard.
“Ang kapal ng mukha niyo! Sa Daddy ko ang bahay na iyan!” matapang na duro pa rin ni Cecilia sa kanila.
“May pruweba ka?!” palaban pa rin si Jella.
“Ma’am, tama na po. Umalis na po kayo. Nakakagulo po kayo sa mga nakatira rito. Kung may reklamo po kayo ay idaan niyo po sa tamang proseso,” maayos na sabi ng guard kay Cecilia.
“Halika na, Cecilia. Nakakahiya,” natauhan lang si Cecilia nang sabi ng kasama nito. Noon lang napansin ni Cecilia ang ibang tao na nanonood sa kanila.
“Babalikan ka namin ng mommy ko malanding babae ka!” pero bago sumakay ay babala muna ni Cecilia sa kanya.
Nahihiya na nagyuko ng ulo lamang si Rucia.
“Ate Rucia, are you still there?” tuntag sa kanya ni Cecilia sa kasalukuyan dahilan para mawala siya sa inaalalang nakaraan.
“Ah, oo. Oo, okay naman ang daddy mo,” sagot na niya sa katanungan nito.
“Salamat kung ganoon, Ate. Salamat sa pag-aalaga mo kay Daddy,” sabi pa ni Cecilia. Ibang-iba na ito ngayon kung ang pagbabasehan ay ang una nilang pagkikita na nagsabunutan. Mabait at sweet naman talaga si Cecilia. Mahal na mahal lang ng dalaga ang amang si Santigao kaya nagawa nito iyon na sumugod sa kanya noon. Daddy’s girl daw kasi ito at ayaw lang sanang mawala ang kanilang daddy.
“Walang ano man,” tipid niyang aniya.
“May panggatos pa ba kayo? May naipon na ako mula sa allowance ko. Puwede kong ipadala kung may kailangan kang bilhin kay Daddy.” College student pa lang si Cecilia pero graduating na. Kaya kahit gusto nitong tulungan si Santiago ay wala pa itong magawa. Ang naitutulong lang nito sa ngayon para sa ama ay ang kumupit or mag-ipon sa binibigay ritong allowance ng masungit nitong Mommy Nimfa.
“Mayron pa. Huwag mo kaming masyadong isipin. Ang isipin mo ay ang pag-aaral mo. Ang makatapos ka para maging proud sa’yo ang Daddy mo,” aniya.
Naging emosyonal si Cecilia. Naluha siguro kaya minuto na hindi nakapagsalita. At nang bumalik sa linya ay, “Bago ko makalimutan, Ate. Narinig ko pala si Mommy kanina kaya napatawag ako. Kausap niya ang family lawyer namin at narinig ko na pinapabenta na niya iyang rancho.”
“Ano?”
“Oo, Ate. Paano na ‘yan? Saan kayo ni Daddy kapag mabenta ang rancho?”
“Ang sama talaga ng mommy mo,” sabi niya lang kaysa sagutin ang tanong ni Cecilia………..