***** AMAN ***** "Bakit hindi ka mapakali?" hindi na nakatiis na tanong sa kanya ni Manet. Nahihilo na yata ito pati na si Jamil. Pabalik-balik kasi siya ng lakad habang tinitaktak niya sa kanyang palad ang kanyang cellphone. Kanina pa niya hinihintay ang tawag or text sa kanya ni Nakee. Ilang oras na ang lumipas noong biglang sumingit sa kabilang linya si Gabs sa tawagan nila ni Nakee. Nahuli ng asawa si Nakee at sobrang nag-aalala na siya. "W-wala. I'm just thinking about something," kaila niya. Ayaw niyang sabihin sa kapatid ang nangyari. Ayaw niyang masermunan ngayon. All he wanted now was to know if Nakee was okay; if her husband hadn't hurt her. Kung noon nga na wala pang ginagawang mali si Nakee ay nasasaktan na ito, paano pa kaya ngayon? ‘f**k!' He muttered a silent cu