Chapter 40 Ikalawang gabi na ngayon nila Magdalena sa pribadong yate ni Jinso. Ang lahat ay masaya at nagtatawanan. Ngunit kapansin pansin ang pananahimik ni Magdalena Napapansin iyon ni Jinso ilang araw na itong madalas napapatulala. Tila may malalim itong iniisip. "Jins tuloy ba?" Tanong ni Davin sakanya habang nagtitimpla siya ng kanilang iinumin. He likes to make his own drink. Isa iyon sa mga tinatagong talent niya. Sinulyapan niya si Davin. Nasa di kalayuan sila Magdalena habang nag-kakantahan sila Chelsea at Janice sa mini karaoke na pinasadya niyang ipalagay sakanyang private yatch dahil mahilig sa karaoke si Magdalena "I'm nervous. Parang wala sa mood ang girlfriend ko. Something is bothering her" "So hindi nanaman natin itutuloy ang proposal mo tonight? Pangatlong beses

