Chapter 23 "Happy birthday ate! Bangon na!" Nag-inat ng kanyang mga kamay si Magdalena habang niyuyugyog ng kanyang kapatid ang kanyang balikat. Kasalukuyan siyang natutulog ng mahimbing ng bulabugin siya ng kanyang kapatid "Inaantok pa ako. Ano ba.." Reklamo niya sa kanyang bunsong kapatid "Birthday mo ngayon kaya pinapagising kana ni mommty at daddy!" Naiinis na sambit ng kanyang kapatid dahil ayaw parin niyang bumangon Ilang minuto na kasi nitong niyuyogyog ang kanyang balikat upang magising lamang siya. Puyat na puyat siya kagabi dahil sa kanilang ginawa ni Jinso. Pilya siyang napangiti ng maalala ang kanilang ginawa kagabi. Pinapunta siya nito sa bahay nito at doon muli nilang pinagsaluhan ang isang mainit na gabi. Muli silang nagtalik at pinaramdam ang pagmamahal sa isat-i

