Chapter 28 (Jinso POV) "Mag-usap tayo in private" Wala man lang kangiti-ngiting sabi ni Chelsea sakanya pagkarating nito sa mansyon nito. Kanina niya pa ito hinihintay. Nagderederetso ito paakyat sa kwarto nito. Seryoso ang mukha ng dalag at tila galit nanaman ito sakanya. Napabuntong hininga siya He wants to end their relationship tonight. Kakausapin niya ito ng mahinahon upang palayain na siya nito. Ipapangako nalang niya sa babae na ito lamang ang nag-iisang babaeng mamahalin niya bilang kapatid at walang makakapalit sa pwesto nito sa kanyang puso bilang bunsong kapatid. Mahal niya si Chelsea bilang kapatid lamang at hindi na niya matagalan pa ang pagkukunwari. Napatingin siya sa dalawang taong kasunod ni Chelsea. Isang matangkad na lalake at si Janice? "Janice?" "Hi Jinso.

