Chapter Ninety-eight "Totoy, iyang anak ko'y alagaan mong mabuti. Kulang man sa aruga iyan at tamang asal. Pero mahal na mahal ko iyan." Medyo siga ang tono ni dad. Papalabas na kami ng VIP room. Hindi man lang na recognize ni Nairo ang mga ito. Iba rin talaga gumanap ang magulang ko, eh. "Makakaasa po kayo. Mahal ko po ang anak ninyo at ipinapangako ko po na proprotekta ko siya." "Salamat, hijo. Aasahan namin iyan." Nakipag-handshake si Nairo. Habang ako'y tulala. "Mahal mo ang anak ko?" angat ang pekeng kilay ng nanay ko. "Opo, ma'am. Mahal ko po ang anak ninyo. Ipinapangako ko pong proprotekta at mamahalin ko ang anak ninyo higit pa sa buhay ko." Sabay sulyap ni Nairo sa akin. "I love you." Shit! s**t! Nakalimot ang puso ko. Kinilig ang lintik at feel na feel ang I love you ng asa