Chapter 102 "Boss Nairo, you're in love with a criminal." Bulong ko rito habang magkayakap kami rito pa rin sa balcony. Ang gaan na ng dibdib. Mahal at tanggap ako ng lalaking mahal ko. "Hindi perpekto ang mundo para magpakaperpekto ako at husgahan ka. May dahilan ka kung bakit ka nasa field na iyan. Hindi iyang trabaho mo ang magiging dahilan para magbago ang nararamdaman ko sa 'yo. Ang tagal kong tinago ito, Lily. Kung mapapansin mo... sa kilos ko ipinakita ang nararamdaman ko sa 'yo. Naramdaman mo ba? Pansin mo ba ang effort ko?" "Of course. Pero siyempre inisip ko na dahil likas lang talagang mabait ka. Hindi ako nag-assume kasi ayaw ko rin naman talagang kumpirmahin. Sa totoo lang ay bigat na bigat na rin ang dibdib ko dahil gusto kong tuluyan kang mahalin ngunit may pumipigil sa a