Chapter 116 "Mukha kang stress. Hindi pa ba kumakagat ang asawa ko sa pambla-blackmail mo?" kumakain kami ng agahan ni Arvon Kapkafe. Halatang sira ang mood nito umaga pa lang. "I don't have time for that. I'm busy. Hindi ko muna aasikasuhin iyan ngayon." "What? So, matatagalan pa ang pera ko?" disappointed na tanong ko rito. Tinitigan ako nito. Saka siya tumango. "Tapos tatagal din ako rito?" "Hindi naman. For sure kaya mo pa ring maghintay." Umirap pa ang matanda. "Hindi ka pupunta ng palengke?" "Sa tingin mo ba'y uunahin ko pa ang pagtitinda ng bulaklak kaysa hanapin ang anak ko? Until now hindi ko pa alam kung nasaan ang prinsesa ko!" "Nararamdaman mo na ngayon iyong nararamdaman ng mga magulang ng mga bihag mo. Hindi nila alam kung nasaan ang mga anak nila. Hindi nila alam kun