Chapter Ninety-six Sa sobrang bilis kong tumakbo ay narating ko ang gitna ng gubat bago pa ako nahabol ng asawa ko. "Lily!" ani nito na agad akong kinabig at mahigpit na niyakap. Mukhang sobra ko na naman itong pinag-alala. "Hindi ka dapat tumakbo at lumayo sa akin." Seryosong sermon nito sa akin. "Ang tigas talaga ng ulo mo, Lily. Sa tingin mo ba'y pababayaan kita? Sa tingin mo ba'y hindi kita kayang protektahan?" "Alam kong kaya mo... pero oras na magkagipitan ay tiyak ko ring handa kang ipahamak ang sarili mo maprotektahan lang ako. So, ilalayo ko ang sarili to make sure na safe ka rin." In-tap nito ang buhok ko. "Lily, mukha lang akong mahina at hindi kayang protektahan ang sarili. Pero hindi lang ako simpleng tao na lumaki at tambay sa lab. Nag-military training pa ako dahil alam