Chapter 110 "May nagre-request na ma-interview ka, Nairo." Kinikilig na ani ko habang nakatitig sa email na nakabukas ngayon. Ako pa mismo ang nagpakita no'n sa asawa ko kahit na pag-aari niya ang tablet. "Kung kasama ka ay walang problema sa akin." Ipinagpatuloy nito ang pagbabasa ng libro. "Kaso pangalan mo lang ang nakalagay, Nai. Walang Lily Deogracia Martin dito. Ikaw lang ang gustong ma-interview. Talk show ito kung saan doon din na interview iyong sikat na artista na may crush sa 'yo." "Nagseselos ba ang misis ko?" may panunudyo sa tinig nito. "Hindi. Bakit naman ako magseselos? Iyon crush ka n'ya . Ako naman ang asawa mo. Sampalin ko pa ng marriage certificate iyon." Bumungisngis ito. "That's right. Wala kang dapat ipagselos. Saka hindi kita bibigyan ng dahilan para magselos.