Chapter 118 "Baby," malawak ang ngiti ng asawa ko pagbungad ko pa lang sa sala ng mansion nito. Naroon siya at naghihintay sa pagdating ko. Humakbang ako palapit dito. Sinalubong naman niya ako at mahigpit na yumakap sa kanya. Pagkatapos niya akong yakapin ay iginiya niya ako patungo sa couch. "Tired?" tanong nito sa akin pero umiling ako. "No. May trabaho pa ako, Nairo." "Hindi ba pwedeng magpahinga muna? Nagawa mo na ang trabaho mo. Wala na si Arvon Kapkafe." "Pero hindi ako pwedeng huminto dahil pwedeng kumalat ang sakit na ginawa nila Arvon Kapkafe. Mas malaking problema kung hahayaan lang---" "Hindi ko sinabing hayaan mo. Ang sinabi ko ay kung pwede ka munang magpahinga. Magkaiba iyon, baby." Bahagya pa nitong pinisil ang baba ko. Sumandal ako rito. "Hindi naman ako napagod, Nai