Chapter Ninety-two Iyong mga plano ni Nairo sa buhay ay palagi akong kasama. Sa pagpapatayo niya ng rest house. Sa mga travels niya. Sa mga gatherings with or without his family. Lahat na ng taong nakapaligid sa amin ay paniwalang-paniwala na totoo ang relasyong binuo namin. Kahit nga ako'y minsan nakakalimot na rin. Napaniniwala na ring totoo ang lahat. Sa sobrang komportable ko sa pagpapanggap na ito ay ilang trabaho lang ang tinanggap ko sa loob ng ilang buwan. Ganito siguro kapag masaya. Hindi na napapansin ang panahong lumilipas. Mag-iisang taon na. Well, bukas ay isang taon na. Hindi ko alam kung maaalala ni Nairo iyon. Pero simula nang tanggapin ko sa sarili kong mahal ko na siya ay isa ang araw ng anniversary namin sa pinakahihintay ko. Nasa point din akong nagnanais na h