Chapter Ninety-four "Humupa na ba ang kalasingan?" nasa pool kami. Parehong walang saplot. Nag-utos ito sa lahat ng tauhan na walang magagawi sa labas. Well, ginamit niya iyong intercom. Dahil late na rin naman na ay ilan sa kanila ay tulog na. Iyong mga nakatokang magbantay ngayong gabi ay inutusan na ring magpahinga muna. Kaya ko namang protektahan ang asawa ko... pero siyempre hindi ko iyon sinabi sa kanya. "Hindi ako lasing, Nai." Nakailang tanong na kasi ito. Iyong alak lang talaga ni Ninang Mace ang kayang magpatumba sa akin. "Malungkot lang ako kanina kaya kahit bilog lang ay may effect sa akin. Pero alam mo naman ang mga signs kapag lasing ako. Iyong kanina hindi dahil sa kalasingan iyon. Sad girl lang ako." "Kaya mo inubos iyong dalawang bote ng bilog ay dahil malungkot ka?