Ang Tadhana ni Narding
Book 2
AiTenshi
Oct 11, 2018
"Sandali.." bulong ko
Napahinto siya..
"Bakit?" tanong niya
"Dito ka lang sa likod ko. Mayroon tayong bisita." sagot ko habang naka tingin sa madilim na eskinita.
Dito ay isang mahinang yapak ang aming narinig at mula sa madalim na lugar na iyon ay lumakad ang imahe ng isang lalaki patungo sa
Part 11: Impakto
"Mukhang busog na busog tayo kaibigan." ang bati ko kay Pablo na noon ay lumalakad palapit sa amin. May dugo pa sa kanyang damit na puti at ang kanyang bibig ay ganoon rin.
Si Cookie naman ay napakapit sa aking likuran. "Sayang isa siyang maligno, gwapo pa naman siya at napaka yummy. Kaso bakla rin pala! Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin yung ginawa nya doon sa lumang gusali."
Patuloy na lumalakad si Pablo habang naka ngisi. "Hindi nga e, gutom pa ako. Kumakalam pa ang sikmura ko." ang tugon niya at sa kada hakbang ng kanyang paa ay unti unting nag babago ang kanyang anyo. Ang kanyang braso ay lumalaki, ang kuko ay humahaba. Ang kanyang mata ay nag iiba ang kulay at ang bibig ay nabibinat hanggang tainga. Tunubuan siya ng maraming matutulis na ngipin habang ang laway ay tumutulo sa kanyang bunganga.
"Impakto ang isang iyan. Mga sinaunang demonyo na nag hari sa lupa maraming taon na ang nakalilipas. Marami akong nababasa tungkol sa kanila, mga malignong nag tatago sa maganda at kaaya ayang mukha ng isang tao bilang pang kubli sa kanilang totoong anyo upang hindi sila mahuli at makapang akit sila ng mga biktima." ang bulong ko
"Ngunit ang katulad namin ay naiiba sa lahat dahil tao rin kami, nag sisimba at sumasamba rin kami sa Diyos. Lahat kami ay may relihiyon at tumatanggap ng komunyon o bendisyon. Sa mundong ito ay hindi mo na malalaman kung sino ang peke at totoo dahil ang lahat ng tao ay mapag panggap at naka baon ang mga paa sa mga kasinungalingan sa kanyang sarili." ang wika ni Pablo sabay takbo patungo sa amin. "Ngayong alam nyo na ang lahat tungkol s akin ay hindi ko na hahayaang makaligtas kayong dalawa!!"
Mabilis ang pag kilos na ginawa ni Pablo, para itong isang maliksing hayop na pabago bago ng direksyon. Nilundag niya ako mula sa itaas ngunit nasangga ko ang kanyang atake kaya't nagawa ko pang itapon ang kanyang katawan padistansya sa amin.
Maya maya naka bawi siya at agad tumayo, mula sa maliwanag pa parte ng eskinita ay lumakad siya gawing kadiliman at maya maya nawala ito na parang bula. "Alam mo ba na ang dilim ay aking kapanalig? Ang aking katawan ay humahalo sa kadiliman upang hindi ako makita ng aking mga kalaban. Kaya matakot ka sa dilim dahil tiyak na nandoon ako." ang wika niya at maya maya ay nag sisigaw si Cookie sa aking likuran. Dito ay nakita kong hinila niya ito at kinaladkad sa lupa.
Hinabol ko silang dalawa..
Pilit kong binawi si Cookie sa kanyang mga kamay at dito nag buno kaming dalawa. Si Cookie naman ay tumabi at nag tago sa likod ng puno. Alam kong mas malakas ako ngunit natatalo lamang ako sa dilim dahil mas malinaw ang kanyang paningin dito at gayon rin ang kanyang pag kilos.
Bumitiw siya sa akin at muling nag laho. Napako lamang ako sa aking kinatatayuan habang maiging nakikiramdam.
Tahimik..
Habang nasa ganoong posisyon ako ay isang malakas na kalmot sa likuran ang aking natamo, nag karoon rin ng galos ang aking braso dahilan para mapa atras ako. Pansamantala akong dumistansiya at umalis sa lugar na madilim dahil mas malakas siya dito. "Okay ka lang ba? Umalis na tayo dito! Fly kana at iwan siya!!" ang wika ni Cookie habang hinihila ako palayo.
"Hindi tayo pwede umalis, kailangan natin siyang magapi dahil mag hahasik lang siya ng salot at kamalasan sa mga tao. Lalong dadami ang kanyang biktima." ang sagot ko naman at habang nasa ganoong pag uusap kami ay bigla niya akong nilundag at kinaladkad patungo sa dilim. "Ayy walang hiyaaaa ka Pablo!! Bitiwan mo siyaaaaa!!" ang habol ni Cookie
Patuloy niya akong hinila kaya naman hinawakan ko ang kanyang ulo at pinag susuntok ito ng malalakas dahilan para mawala siya sa balanse. Nabitiwan niya ako at natumba! Iyon ang pag kakataon na aking hinihintay, lumipad ako patungo sa kanya at binuhat ito paangat sa ere.
Lumipad ako kasama siya..
Sumibat ako sa himpapawid habang nakahawak sa kanyang likuran.
Noong nasa mataas na parte na kami ay nag wala siya ng husto lalo na noong masinagan ng liwanag ng buwan. Gamit ang kanyang matatalas na kuko ay pinag kakalmot niya ako dahilan para mabitiwan ko siya.
Bumulusok ang kanyang katawan sa ibaba, ang aking plano ay talagang hahayaan ko nalang siyang mahulog at lumagapak sa lupa kaya naman hindi ko na siya sinundan at nanatili lang akong nakalutang sa ere, ngunit laking gulat ko na ang pag bagsak niya mula sa ere ay hindi normal, swabe ito na parang naka glider. Halos huli na noong makita kong nag karoon siya ng pakpak kaya naman agad akong lumipad para habulin siya. Alam kong tatakas siya at muli mag hahasik ng lagim sa ibang pag kakataon.
Nag habulan kaming dalawa hanggang sa makarating sa siyudad. Lalo lamang kaming umagaw ng eksena noong hablutin ko ang kanyang likuran at masalabit kami sa poste ng kuryente na lumikha ang mag kakasunod na pag spark na siyang pumukaw ng pansin sa lahat ng tao.
Tuloy pa rin siya sa pag lipad hanggang sa tuluyan ko siyang maabutan at sa ere ay mag buno kaming dalawa. Dinaragit niya ako at kinakalmot tuwing mapapadikit sa aking katawan ako naman ay pilit sinasangga ang kanyang mga atake.
Isang pag atake pa ang kanyang ginawa, hinablot ko ang kanyang katawan at ibinalibag ito ng malakas. Bumulusok ang kanyang katawan sa lupa at sumadsad ito sa gitna ng kalsada dahilan para mag hintuan ang mga tao sa paligid. Lahat sila ay nag kagulo, ang iba ay natakot at ang iba naman ay namangha sa kakaibang anyo ng nilalang na aking kalaban.
Bumaba ako sa lugar kung saan nakasadsad si Pablo at habang nasa ganoong posisyon ako ay siya naman pag takbo ni Cookie sa aming kinalalagyan. "Jusko no, iwan ba ako doon sa dulo ng siyudad, sumabit lang ako sa nag daang jeep kaya ako nakarating dito. Ang hirap maging sidekick! Nasaan na yung kalaban?" tanong niya
Itinuro ko si Pablo sa kanya na noon ay unti unting bumabangon, muling tumubo ang pakpak nito sa kanyang likuran at lumipad nanaman sa ere. "Ay may pa pakpak si Mayor! Habulin mo siya Nardo!!" ang sigaw ni Cookie
Agad naman akong lumipad at tinugis ang kalaban. Nakarating kaming dalawa sa mataas na bahagi ng isang gusali kung saan kapwa kami naka tayo sa mag kabilang dulong bahagi. Dito ay biglang nag bago ang anyo ni Pablo at bumalik siya sa pagiging normal na tao. "Nardo, tulungan mo ako. Paki usap. Napapagod na akong magutom at pumatay ng inosenteng tao." ang wika niya
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"Wakasan mo ang buhay ko, patayin mo na ako ngayon. Ang nangyayari sa akin ay isang sumpa ng kadiliman, hindi ko ito gusto at kinokontrol lamang ako ng masamang elemento sa aking katawan. Walang ibang matutulong sa akin kundi ikaw lamang." ang pag mamaka awa niya na parang hirap na hirap..
Maya maya napaluhod na siya sa sahig ng gusali. "Nardo, paki usap! Patayin mo na ako!!" ang sigaw niya
Napa atras ako at dito ay bumalik sa aking ala-ala kung paano ko pinatay si Estong. Halos pareho sila ng kahilingan, bakit parati ako ang nalalagay sa ganitong uri ng pag kitil?
FLASH BACK
"Narding, ang tanging paraan lang upang ako ay mailigtas ay ang patayin ako. Ang punyal na aking ibinigay ang ay ang tanging sandata sa buong kalawakan na maaaring dumurog at sa aking puso na naka anyong diablo. Ang punyal na iyon ay naka kabit sa akin katawan noong ako ay nawalan ala-ala. Ito lang tanging daan upang matapos na ang kaguluhang ito." ang wika nito.
"H-hindi ko magagawa ang nais mo. Baka may iba pang paraan." ang sagot ko naman.
"Ikinalulungkot ko Narding ngunit wala nang ibang paraan. Ang iyong pangitain ay naka takdang maganap sa oras na sumikat ang araw. Saklaw ng kakayahan ng demonyong ito ay ang lumikha ng daang sundalo ng mga bangkay at gamitin ito sa kanyang pag hahari. Maaring bukas ay wala na ang lahat ng nilalang na buhay sa paligid at mabalot na sa nakakalibot na lagim ang buong mundo. Pakiusap Narding, gawin mo na." ang wika nito.
"Pilit kong iniisip na kaya ko ngunit ayaw ng aking katawan. Hindi ko pa rin kaya! Mahalaga ka sa akin, sa amin ni Cookie at lahat ng taong tinulungan mo, lahat kami ay nag papasalamat sa iyo Estong. Mahal na mahal ka namin." ang wika ko.
"Gawin mo ito bilang aking pinaka huling kahilingan. Para ito sa lahat, para sa mga taong minamahal natin. Para sayo at para sa mundo. Paki usap nahihirapan na ako, hindi ko na kayang pigilin ang kapangyarihan ni Damian. Pasikat na rin ang araw, sayong kamay naka salalay.." hindi na ito natapos sa pag sasalita dahil unti unting kumilos ang kamay ng kalaban at sinuntok nito ang kanyang sarili.
"Narding ngayon na! Gaaawin mo naaaaaa!! Nakiki usap akooo!! Ikaw lang ang pag asa! Iligtas natin ang mundoooooo!! Tulungan mo akong matapos ang pag hihirap na ito!!!!" ang sigaw nito kaya naman tumayo ako ng matuwid, muling nag apoy ang aking katawan at mabilis na lumipad patungo sa kalaban.
"ESSSTOOOONG!!" ang sigaw ko, at doon ay hindi ko na malayan ang pag tulo ng luha sa aking mata. Agad kong hinawakan ang punyal sa aking dalawang kamay ay itinarak ito sa kanyang puso..
Nag simulang matauhan ang kalaban at nagulat siya na umilaw ang kanyang dibdib. "Paano mong nakuha ang punyal?" ang mahinang tanong nito.
"Ikaw mismo ang nag bigay nito sa akin." ang sagot ko naman at doon ay mas lalo ko pang idiniin ang pag kakatarak nito sa kanyang puso.
End of Flashback (Scene from Ang Tadhana ni Narding Book 1, Part 21: Ang Prinsipe ng Kamatayan 2)
"NAR... DOO!! Hindi ko na kayang pigilan pa ang impakto sa loob ko! Nag babanta na siya! Patayin mo na ako! Parang awa mo naaaa! Hirap na hirap na ako!!" ang sigaw ni Pablo
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan kasabay nito ang pag lipad ko patungo sa kanyang kinalalagyan. Nag desisyon ako na kitilin ang kanyang buhay ayon sa kanyang kagustuhan.
Nag liwanag ng husto ang aking kamao at noong aktong ihahataw ko sa kanya ay bigla nalang itong ngumisi, nag bago ang kanyang anyo at mabilis na dinakot ang aking mukha. Bumaon ang kanyang kuko dito dahilan para dumaloy ang dugo rito.
Natawa siya.. "Hindi pa ako nababaliw para wakasan ang aking buhay. Kakain muna kita at kukunin ko ang iyong kapangyarihan!" ang wika niya sabay sakmal sa aking balikat..
Bumaon ang kanyang ngipin sa aking balat dahilan para mapasigaw ako..
"Wag kang mag alala dahil may pampamanhid ang aking pangil, maya maya lamang ay wala ka nang mararamdamang sakit at kasabay noon ang pag kaubos ng iyong dugo. Pag katapos ay bubutasin ko ang iyong dibdib at kakainin ko ang iyong sariwang lamang loob." ang wika niya.
Natawa ako..
"Sige tumawa ka lang. Ganyan ang mga malapit nang mamatay, nababaliw." sagot niya
"Kung gusto mo akong talunin sana ay pinutol mo ang aking dalawang kamay. Alam mo ba na ang aking kamao ay kasing tigas ng isang bulalakaw?" ang salita ko sabay dakot sa kanyang leeg. "Mainam na rin ito para hindi mag sisisi kung papatayin man kita!" sigaw ko sabay gawad ng malakas na suntok sa kanyang mukha.
Tumilapon ang kanyang katawan at bumulusok sa lupa..
Bagsak...
Nag kagulo ang mga tao sa paligid..
Hindi na ako nag aksaya ng panahon, lumipad ako sa itutok ng isang simbahan at kinuha ko ang krus sa itaas nito.
Mabilis akong sumibat ng lipad patungo kay Pablo na noon ay bumangon na naman ngunit hindi na ako nag sayang ng pag kakataon. Inihataw ko ang krus at isinaksak sa kanyang katawan na ikinagulat ng lahat.
Bumaon ang krus sa kanyang katawan at tumagos sa kanyang tiyan dahilan para mag sisigaw siya sa matinding pag hihirap. "Ang sabi mo sa akin ay nag sisimba ka rin, yakapin mo ang aming krus at mag dasal ka sa may kapal na ikaw ay patawarin sa iyong mga kasalanan. Hanggang dito nalang ang pag hahasik mo ng krimen at kasamaan Pablo." wika ko habang nakatingin ng tuwid sa kanya
"Malupit ka Nardo, pero bago ako mamatay ay hayaan mong basahin ko ang iyong kapalaran." ang wika niya
"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong ko
Nangiti siya at nag wika “Kaming mga impakto ay marunong tumingin ng hinaharap ng isang tao o nilalang. Iyan ang aming espesyal na kakayahan. Ngunit ang kakayahang ito ay hindi namin maaaring gamitin sa aming sarili kaya’t wala rin akong alam sa aking kahihinatnan. Pero gayon pa man nais kong basahin ang iyong madilim na hinaharap.” ang wika niya habang naka ngisi at sumusuka ng dugo.
“Tama na, hindi ako interesado sa mga sasabihin mo!” sagot ko
Tumawa siya at itinuloy pa rin ang kanyang gagawin..
"Patuloy kang mumultuhin ng iyong nakaraan Nardo. Ang tunay na kalaban ay nasa tabi mo lang, kapag nagising ang kanyang lakas ay mamatay ka na rin. Nakikita kong malalason ang iyong katawan sa kanyang kamandag at ikaw masasaktan ng paulit ulit. Humanda ka Nardo dahil ang pangalan mo ay magiging parte na lamang ng kahapon." ang naka ngisi niyang salita bago bumulwak ang dugo sa kanyang bibig at malagutan ng hininga.
Nag kagulo ang mga tao sa paligid, dumagsa ang media at kinuhanan kami ng larawan. Halos hindi sila makapaniwala na ang sikat na modelo na si Pablo ay isang halimaw. At bago pa man kuhanin ng pulis ang kanyang katawan ay unti unti itong naging abo na ikinagulat ng lahat. Walang natirang bakas sa kanyang pinag handusayan kundi ang krus na may dugo.
"Super Nardo, maaari ka bang makuhanan ng pahayag? Paano mo na laman na siya ang kriminal?" ang tanong ni Liza Mae sa akin pero hindi ko siya pinansin.
"Super Nardo, ako si Carlito De Dios isang koluminista, taga hanga mo ako. Papicture naman tayo! Please!!" pang hahabol na isa, nagawa pa niya akong hawakan sa braso.
"Aalis na ako. Pasensiya na ngunit wala akong masasagot na kahit ano. Mag ingat kayo at huwag basta mag titiwala kung kani kanino." ang tugon ko sa kanila at doon ay lumipad ako palayo sa kanila.
Nag palakpakan ang mga tao sa siyudad habang ako ay lumalayo sa kanila.
Halos magulong magulo pa rin ang aking isipan tungkol sa mga huling salitang binitiwan ni Pablo..
Wala akong nagawa kundi ang tumayo sa gusali kung saan ako madalas tumatambay at dito ay patuloy na tumatakbo ang aking isipan patungo sa magulo at walang hanggang pag hahanap ng linaw tungkol sa nakatakdang maganap sa hinaharap.
Itutuloy..