Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 2 AiTenshi Lumapit siya sa walang malay na katawan nina Selena at Karina. Hinawakan niya ang mga ito at niyakap. "Salamat sa inyo girls!" ang wika niya na parang nakikidalamhati sa nangyari sa kanyang mga alipores. Matapos niya itong yakapin ay ibinukas niya ang kanyang bibig. At sinumulan niyang kainin ang mga ito na parang isang ahas na nilulunok ang kanyang mga biktima. Part 32: Ang Dalawang Bayani "Hala, eh kanibal pala iyang reyna iyan. Bakit niya kinakain yung mga alipores niya?" ang nandidiring tanong ni Cookie "Eh baka nagugutom, sa laki ng katawan niya ay kulang pa yung dalawang iyan." ang wika ni Nai. "Kadiri naman. Nilunok nga niya yung dalawa, walang nguya-nguya!" ang wika ni Cookie Sarap na sarap si Reyna Gandaka sa pag luno