Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 3 AiTenshi Dec 6, 2018 Hinubad ko ang kalasag sa aking ulo at naging sandata ito.. Mabilis akong lumipad sa kanyang kinalalagyan.. Hindi siya natinag, naka ngisi lang ito at nag hihintay sa aking gagawing pag atake. Ang nag papasakit sa aking puso ay mukha ng Anghel ang nakikita ko na tila nawawalan ako ng lakas na sagupain siya. Gayon pa man, hinawakan ko aking sandata at ibinalibag sa kanyang kinalalagyan. Nag apoy ito ng husto at nahati sa 8 piraso. Ang lahat ng iyon ay sumibat sa kinalalagyan ng kalaban na si Gamal. Gamit niya ang katawan ng Anghel kaya't halos dumugo ang aking puso sa tuwing tumitingin ako sa kanyang mukha. Part 51: Ang Pulang Luha Sabay sabay na lumipad ang walong pirasong patalim sa kinalalagyan ng kalaban. Ang