NAKAILANG BASO na ng tubig si Kira, pero hindi pa rin kumakalma ang katawan niya. Talagang muntik na siyang mawala sa mundong ibabaw kanina kung hindi siya hinatak ni Lissandro at niyakap. Nagkaroon pa tuloy siya ng utang na loob sa lalaki. She doesn't like owing anyone anything. Hindi siya makapaniwala sa mag-ama. Are they insane? Ganoon ba talaga sila magbatian? Kamuntik na siyang maging kwento na lang. Naupo si Lissandro sa sofa katabi niya. "You look familiar, hija... have we met before?" Napatingin si Kira sa matanda, bahagyang naningkit ang mga mata. "If we did, I'm pretty sure I'd remember someone who almost got me killed," sagot niya, may halong sarkasmo at lamig sa boses. Bahagya niyang inangat ang baba, pilit pinipigilan ang panginginig ng katawan. "Or is that your usual wa

