HINDI NA BAGO ang mga ganitong event kay Kira. She was raised in a wealthy family, pero tuwing sasama siya sa mga ganitong gatherings, palagi siyang nakasuot ng mask. Ito ang unang beses na pumayag siyang sumama sa isang event nang kitang-kita ang mukha niya. Bihira rin siyang magpa-picture. Kahit sa family photos, hindi siya kadalasang nakakasama. She's always been quite mysterious. Hindi rin siya kilala bilang 'Windsor' dahil bihira siyang sumama sa mga event kasama ang mga magulang niya. Ang madalas na alam lamang ng iba ay may anak na babae ang mga magulang niya, ngunit hindi pa nila nakikita ang mukha niya. Pagdating sa cruise ship, saka lamang napagtanto ni Kira na napakaraming tauhan ni Lissandro ang kasama nila, pero hindi nakapasok sa loob. They didn't allow his men with guns

