KAY Edison natutunan ni Astrid kung paano i-cover up ang mga matang walang tulog. Pero hindi nakuntento si Astrid na maglagay lang ng concealer at foundation. Nagdagdag din siya ng kaunting make-up at nang matapos ay lumabas na siya ng rest room at nagtungo sa desk niya. Dumating na si Becca at kasalukuyang naroon ito nakatayo sa harap ng mesa niya. Naglilingunan sa kaniya ang mga nasalubong niyang empleyado. Ang ilang mga lalake ay hinabol pa siya ng tingin paglampas ng cubicle ng mga ito. Maliit na ngiti lang ang ganti niya sa mga ngumiti sa kaniya. "Good morning, Becca! Kanina ka pa?" bati niyang nakangiti sa babae. Umikot siya sa likod ng office table at inilagay ang bag sa pedestal. Hinila niya ang upuan at ipinatong naman ang laptop sa mesa. Napatingin siya sa officemate. Nakita ni