"SITIO MAUGONG..." turan ng barangay official na nakaharap nila. "Parang noong nakaraang taon ay may mga estudyante rin ng unibersidad ninyo ang nagtungo roon. Tama ba?" anito at nilingon ang dalawang kasama. Nasa barangay hall sila at gaya ng inaasahan ay wala ang mismong kapitan. Araw ng Sabado at may iilan lang na opisyales ang nandoon. Ang isa sa mga ito ang tumanggap ng dala nilang letter of request at ngayon nga ay palipat-lipat ang tingin nito sa papel at sa kanila ni Revor. "Tama po kayo. At isa nga po sa kanila ang nag-suggest sa amin na rito na kumuha ng para sa documentary project." Nakita niya ang mabagal na pagtango nito. "Bilang punong kagawad at officer-in-charge ngayong araw dito sa barangay, makakapagbigay naman ako sa inyo ng permit," bida ng lalaki pagkuwa'y tumingin