ANG nakangising si Revor ang unang sumalubong kay Astrid pagpasok niya ng dining room. At bagaman na-orient na niya ang sarili sa presensiya ng binata sa kanilang tahanan ay hindi pa rin niya naiwasan ang mainis kasabay ng nakakabulahaw na pagsipa ng puso. Pasimple niyang inirapan si Revor. She remembered that he was absent during their dinner last night. Wala siyang pakialam doon, pero nainis pa rin siya dahil pinaghintay sila nito ng kaniyang Mommy. "Good morning, Hija! Come and join us!" masayang bati sa kaniya ng Mommy niya. Dumiretso siya sa pwesto ng ina at ginawaran ito ng halik sa pisngi. Pagkuwa'y tumungo na siya sa kaniyang upuan na katapat ng kanilang panauhing pandangal. Sanay siyang makasalo si Revor sa mga kainan lalo na kapag may okasyon sa kanilang mga pami-pamilya. Kar