ATASHA I am scrolling on my phone nang nadinig ko bumukas ang pinto, at nakita ko ang asawa ko na seryoso ang mukha habang nakasuot ng puting towel sa lower region niya. Sinundan ko siya ng tingin. Nakita ko siya na nagsuot ng plain na tshirt at itim na short, and then, naglakad siya papunta sa pinto na ipinagtaka ko. Hindi man lang niya ako hahalikan like he used to? "And, where are you going in the middle of the night?" tanong ko bigla bago pa man siya lumabas at iwan na naman ako. Kahapon pa siya, ha. Nakita ko naman siya na tumigil, at lumingon sa akin na nagtama ang aming mga mata. What's wrong with him? He looks... It looks like he is kinda sad. "I'll just go to my office. I have to take care of some things," paalam niya sa akin, at lumabas na siya ng kwarto. Napakunot ako n