WALA si Matthew sa opisina nito nang puntahan ko siya. Walang idea ang kahit sino sa mga sekretarya roon kung nasaan ang pinsan ko. Nabanggit naman ng isa sa staff na kagagaling lang doon ng Daddy ko at ng Papa ni Matt. “Anong ginawa nila rito? Magkakasama ba silang umalis nina Matthew?” “Hindi po, Sir Grant. Naunang umalis ang Daddy mo at ang Papa ni Attorney. Then half an hour later, si Attorney naman ang umalis pero walang sinabi kung saan pupunta.” “Hindi kaya may hearing na pinuntahan? Wala ba sa schedule niya?” “Wala po, Sir. Mamaya pang five o’clock ang susunod na meeting niya at bukas na ng umaga ang sunod na hearing na pupuntahan ni Attorney.” Nang sa tingin ko ay wala akong mapapala sa mga empleyado sa loob ay lumabas na lang ako at dumirecho sa parking lot. Pagsakay ko sa