PART 23

1968 Words

***** ANASIA ***** Kahit anong pilit niya ay hindi talaga magawang makatulog si Anasia. Kanina pa siya pabaling-baling sa kama. Ni hindi na maayos ang kobre-kama. Ang kanyang kumot ay nasa kanyang paanan na. Ang dahilan ay ang hindi mapuknat na pag-aalala niya para kay Reynan. Simula nag-walk out ang binata kaninang hapon gawa nang hindi nito nagustuhang pagkakapanood kay Kwinee at Gael sa TV ay hindi pa ito bumabalik ng bahay. Alam niya dahil wala pa siyang naririnig na pumasok sa banyo na may dalawang pinto. Naririnig niya ang pagbubukas at ang pagsasara ng pinto kapag pumapasok doon si Reynan, isama na ang mga lagaslas ng tubig, at wala pa siyang narinig na ganoon hanggang ngayon. Alas onse y media na. Well, may silbi rin pala ang banyo. Bumangon na siya nang hindi na nakatiis.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD