*****REYNAN***** “Ang ibig ko pong sabihin ay wala na po rito si Ma’am kasi inilapat na po siya sa VIP suite ng ospital,” panlilinaw ng nurse sa sinabing wala na si Anasia. Kita sa mukha nito ang takot gawa nang mabalasik na mga tingin dito nina Reynan at Arnie. Ang namumutlang mukha ni Reynan ay umayos ng kulay. Inakala niya ay kung ano na ang nangyari. His sigh was exaggerated. “Tinakot mo kami, Miss. Iba ang pagkakaintindi namin sa sinabi mong wala na,” masama pa rin ang tingin na sabi naman ni Arnie sa nurse. “Sorry po, mga sir. Ang dami po kasing pasyente na inaasikaso kaya nalilito na ako,” paliwanag ng nurse. “Kung ang sinasabi mo ay pagod ka na para malaman mo kahit kami, Miss, pagod din kaya umayos ka. Hindi maganda ang sinabi mo.” “Saang suite siya inilapat?” tanong na ni

