*****REYNAN***** “Anong sabi ng doktor, p’re?” tanong niya kay Arnie. Magkatapat, malalaki ang kanilang mga hakbang na patungo sila sa ICU kung saan dinala si Anasia pagkatapos ng operasyon. “Under observation pa raw siya pero sabi ng doktor ay successful ang pag-alis ng bala sa kanya,” tugon ni Arnie. “Salamat talaga at ligta na siya,” aniya. “Syempre maliligtas siya. Napakabait ng asawa mo kaya hindi pa siya kukuni ni Lord.” Ngumiti siya. “Salamat sa pagsama mo sa amin, p’re. Pero ngayong ligtas na si Anasia ay puwede ka munang umuwi kung pagod ka na para makapagpahinga ka.” “Hindi pa naman. Pinalinis ko naman na ang mga sugat ko kaya okay lang ako.” “Sure ka?” “Oo, p’re. ‘Tsaka hindi ko kayo puwedeng iwanan dahil trabaho ko na ngayon na bantayan kayo. Aalis lang

