PART 37

2143 Words

*****ANASIA***** Magmamadaling-araw na nang magising si Anasia. Nakatagilid siya ng higa at nasa likuran niya si Reynan na nakayakap sa kanyang baywang. At ayaw niya sanang maging sentemental na naman, ngunit hindi niya naiwasan. Kay tulin na lumipas ang mga araw. Isang linggo na ang nakakalipas simula ikinasal sila ni Reynan. Katunayan ay hindi pa rin siya makapaniwala na maikakasal talaga siya rito. Sobrang nag-alala siya na baka mabuking siya na ikinasal na siya noon dahil sa mga requirements sa pagpapakasal pero laking tuwa niya nang hindi naman na sila hiningaan ng Certificate of No Marriage o CENOMAR. Gawa rin ng Covid ay hindi na naghigpit sa kanila ang judge na nagkasal sa kanila. Isa pa ay kilalang-kilala ni Reynan ang Judge sampu ng pamilya ni Reynan mula pa sa naging Mayor

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD