"Naniwala naman ako William at salamat sa pagbisita mo sa akin." "Welcome, Mask Butterfly." "Kailan naman ang balik mo sa Canada?" "Bakit gusto mo na akong pabalikin sa Canada?" "Hindi naman sa ganoon. May welcome party kasi sa anak ng boss namin baka nandito ka pa at puwede kitang magiging-scort." "Kailan ba ang party? Para ma adjust ko nalang ang iba kong business meeting upang masamahan ka." "Next week." "Okay sige, mag-extend na lang ako dito para masamahan kita." "Talaga, William? Gagawin mo iyan?" "Yes... para sa'yo." Sa mga narinig ko kay William ay mas lalo akong humanga sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na alam kung ano ba talaga ang naramdaman ko para sa kaniya. "Paghanga lang ba ito o pagmamahal na?" Naguguluhan kong tanong sa aking sarili. Pero isa lang a