Marahan kong iminulat ang aking nga mata, at nakita ko ang aking sarili na nakahiga sa aking kama. Paano ako napunta rito? Pilit kong inalala ang mga kaganapan bago ako napunta rito pero wala talaga akong maalala. Pero ramdam ko sa kaloob-looban ko na may kulang, parang may nawala sa akin na isang napaka-importanteng bagay. Hindi ko nga lang mawari kung ano ito. Dahan-dahan akong bumangon at kaagad na lumabas sa aking silid para maglakad-lakad na muna sa palibot ng palasyo. Pero habang naglalakad ako ay hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba ang kanilang mga ipinupukol na tingin. "Hannah?" Kaagad akong napalingon nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Jenny. Nakita ko siyang may dalang isang basket ng mga prutas. At kagaya ng nakaugalian naming suotin, nakasuot siya ng isang mah

