"Saan ka pupunta? Heto na ang pagkain mo," sabi ko kay Charlie nang makita kong bababa siya ng hagdan habang bitbit ko ang tray na may lamang pagkain para sa kanyang hapunan. "Sa kitchen, sabay na tayo," walang emosyon niya namang sagot. "Ha? Tapos na kaming kumain ni Charles. Sige, ibabalik ko na lang ito sa kusina." Napansin ko ang pagtitig niya sa akin nang taimtim pero hindi ko siya pinansin. Kaagad na akong tumalikod at bumaba ng hagdan. Himala yata na naisipan niya ngayong kumain sa kusina at gusto pa niyang sumabay sa amin. Inilapag ko nang maayos ang plato, kubyertos, baso at ang kanyang mga pagkain sa mesa. Siniguro kong kumpleto ang lahat ng kailangan niya sa pagkain. Tahimik naman siyang umupo sa harapan nito pero ramdam ko pa rin ang pagtitig niya sa akin. "Aakyat na ako