Pakiramdam ko ay napakaliit ko para tapak-tapakan lang ni Charlie nang ganito. Para pagmukhaing tanga sa kabila ng lahat nang pagpapakumbaba na ginawa ko para sa kanya. Halos maglumuhod na ako sa kanyang harapan para lang tanggapin niya ako, para lang tapunan niya ako ng kahit kaunting pagtingin. Wala na talaga akong magagawa pa. Suko na ako. Kailangan na lang naming magpakalayo-layo para sa ikasasaya niya at sa ikatatahimik ng buhay niya. Muli kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi na walang patid sa pag-agos. Kailangan naming makaalis dito. Hindi ko na siya kaya pang harapin. Ayoko na siyang makita pa kahit na kailan. Mabilis akong bumangon ng kama at sandaling iniwan ang aking anak na mahimbing nang natutulog. Bumaba ako sa ikalawang palapag at muling tinungo ang pinto. Sinubu