Malayo pa lamang ay may ilang sasakyan na akong natanaw na nakahinto sa mga gilid ng calsada, sa tapat ng aming bahay. "Charlie, kaninong mga sasakyan 'yan?" nagtataka kong tanong kay Charlie ngunit hindi na nito nagawa pang sagutin ang tanong ko dahil natanaw ko na ang ilan sa mga bisita sa aming bahay na nagkakasayahan sa loob ng bakuran. At ang pinaka-nakakuha sa aking atensyon ay ang aking anak na kanilang pinagkakaguluhan. "Charles.." naluluha kong usal nang makita ko ang anak kong halos tatlong linggo ko ring hindi nakasama. Inihinto na rin ni Charlie ang sasakyan sa gilid. Napansin ko naman ang paglingon nilang lahat sa amin. Mabilis ko nang binuksan ang pinto at nagmadaling pumasok ng bakuran. Hindi ko pansin ang pagtitig nila sa akin dahil ang aking atensyon ay nasa aking anak