2 WEEKS LATER Lhevyrose POV "Naku, kung magpapaanak lang din naman kayo...siguraduhin niyo nang sa mga mayayaman para nga naman wala na kayong maging problema pa sa pera kahit hindi kayo pakasalan. Hingian niyo ng malaking sustento, 'yong siguradong pati ang buong pamilya niyo ay mabubuhay." "Naku naman, aling Maria. Eh papaano naman kung may asawa na iyong lalaki? Gaya na lamang ng iba d'yan? Aba, eh kahit may pakakasalan ng iba iyong lalaki ay pinatos pa rin. Hindi na nahiya." "Ayos lamang iyon para sa iba. Nakita mo naman na maganda na ang buhay ng bata at nandoon na sa poder ng ama. Hingian na lamang niya ng pera iyong anak niya kapag lumaki na. Ahahahaha!" "Tama ka d'yan, aling Maria. Ganun ang mga mapagsamantalang mga tao. Kahit ayaw sa kanila eh ipipilit ang sarili dahil mayama