Chapter 12 "Sino ka?!" Sigaw ko. Rinig ko ang malakas na halakhak niya sa kabilang linya. Hindi ako pamilyar sa tono ng boses niya. Hindi ko siya kilala! "Ang bilis mo naman akong kalimutan, sweety." May tono ng pagtatampo sa boses nito at maya maya ay tumawa ulit. "Gusto mo bang makarinig ng taong pinapatay?" Kahit hindi ko makita, alam kong nakangising demonyo ang kausap ko ngayon! "H-huwag mo akong pinagloloko! S-sino ka?!" Unti-unti mang nanghihina, pinilit ko pading makapagsalita ng maayos. "Hmm. Hindi kita niloloko. Ngayon, tinatanong ulit kita. Gusto mo bang makarinig ng taong pinapatay?" Sabi niya at nagtawanan ulit sila. Napasinghap ako at kaagad nanggilid ang mga luha ko. No... This can't be happening! Baka may nanloloko lamang sa akin. "Tigilan mo ako!" Sumigaw ako. "P