Inihatid ako ni Dashnell sa bahay ng dapit hapon. Namula ang aking pisngi dahil sa naisip kong huwag ko ng lagyan ng 'Sir' ang pagtawag ko sa kaniya. Nagkausap kami kanina ng maayos. Madami siyang ipinaliwanag sa akin pero parang may kulang pa. Parang may hindi siya sinasabi sa akin? Tinanong ko siya kung ano ba kami. Kung ano ba talaga iyong namamagitan sa amin. Sinabi niya na liligawan pa din daw niya ako hanggang sa sagutin ko siya. Tinanong ko siya kung sino iyong babaeng kasama niya nung nagkita kami at sinabi niya, hindi na daw importante iyon. Dapat ba akong mangamba? Dapat ba akong matakot? Dapat ba akong magtiwala kay Dashnell? I know..mahal ko pa din siya. I still love him at wala ng iba pang dahilan para hindi ko siya sagutin pero kasi, natatakot ako. Natatakot akong baka