Chapter 28. Nagising akong nakahiga sa isang malambot na kama habang nanakit ang buong katawan. Halos hindi ko maigalaw ang buo kong katawan dahil namamaga ito. Pakiramdam ko ay namamanhid ang aking mga laman dahil sa sakit. Nasaan ba ako? "Thank God. Baby, are feeling okay now?" Malabo pa ang aking paningin ngunit ng luminaw ay nakita ko ang mukha ni Dash na nakatitig sa akin habang bakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala. Hinaplos niya ang aking kanang pisngi at hinalikan ako sa aking labi. I miss him. I really miss him. I miss his touch. God! I miss his damn sexy lips! Bigla ay nakalimutan ko ang lahat ng nakaraang sakit sa aming dalawa. Kusang tumulo ang aking mga luha sa aking mata dahil sa saya at sakit na nararamdaman ko. "D-don't make me damn worried again,